Hugot ni Dennis kay Claudia, na-bash!

Hugot ni Dennis kay Claudia, na-bash!

August 13, 2022 @ 3:09 PM 2 months ago


Manila, Philippines – May post si Dennis Padilla sa Instagram how he sorely misses Claudia Barretto.

Claudia is Dennis’ middle child with Marjorie Barretto.

Pinagigitnaan siya ni Julia at Leon.

In his latest post, ang anak naman niyang ito ang nami-miss ng komedyante.

Nilakipan pa niya ito ng old picture nilang dalawa na magkasama.

Pero hati ang mga anonymous comments ng netizens.

May mga nagsisimpatya kay Dennis, na sana raw ay mag-reach out hindi lang si Claudia kundi ang dalawa pa nitong kapatid.

Samantalahin daw ng tatlong anak hanggang buhay si Dennis.

Pero mas lamang ang mga hindi naantig sa post ni Dennis.

Kesyo eto na naman daw ang paawa effect niya sa kanyang mga anak.

Halata naman daw na sinasadyang dumistansya ang mga anak niya dahil isa raw siyang toxic parent.

Naungkat tuloy ang ipinost na hinampo ni Leon bilang sagot sa mga hanash ng ama noong Father’s Day.

Nauunawaan daw ng mga netizen kung saan nanggagaling si Leon. Ronnie Carrasco III