Hukay sa loob ng Bilibid, lingid sa kaalaman ni SolGen Guevarra

Hukay sa loob ng Bilibid, lingid sa kaalaman ni SolGen Guevarra

November 16, 2022 @ 2:34 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Solicitor General Menardo Guevarra nitong Miyerkules na hindi niya alam ang tungkol sa excavation site sa loob ng New Bilibid Prison.

Si Guevarra ay nagsilbong Justice secretary sa ilalim ng Duterte administration.

“As former Justice secretary, I had absolutely no knowledge about this alleged excavation inside the NBP compound,” pahayag ni Guevarra.

“The same being an operational matter, the BuCor (Bureau of Corrections) probably did not find it necessary to inform, much less seek approval from the DOJ,” aniya pa.

Ang BuCor ang namamahala sa kustodiya at rehabilitasyon ng mga preso na isnintensyahan ng mahigit tatlong taon na pagkakakulong, na pinangangasiwaan ng DOJ.

Nauna rito, nang tanungin tungkol sa umano’y tunnel na hinukay sa ilalim ng swimming pool sa loob ng penitentiary, sinabi ni BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang sna inilihim ng dating BuCor officials ang hukay dahil walang pondong inilaan para rito.

Ayon kay Catapang, nakasalalay sa mga imbestigador kung irerekomenda ang paghahain ng mga kaso laban kay suspended BuCor chief Gerald Bantag.

Sa mga naunang panayam, inamin ni Bantag na siya ang nag-utos ng excavation sa loob ng NBP, at sinabing balak niyang magpagawa ng malalim na swimming pool dahil isa siyang “master scuba diver.”

Itinanggi naman niya na tunnel ang plano para sa hukay. RNT/SA