Hukay sa NBP idineklara ng DENR na illegal quarrying – BuCor

Hukay sa NBP idineklara ng DENR na illegal quarrying – BuCor

December 15, 2022 @ 1:52 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Idineklara ng Department of Environment and Natural Resources ang hukay sa New Bilibid Prison (NBP) na illegal quarrying, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor) nitong Huwebes.

Inihayag ni BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang na magsasampa sila ng kaso laban sa mga sangkot dito.

“Based on that report, I will already submit a final report to the secretary na ito’y illegal quarrying and we will file complaints or cases against those who extracted it or who authorized the extraction of this,” sabi ni Catapang.

“Pero anyway, inadmit naman nila na hinukay nila ‘yan so kilala na natin kung kanino nila ifa-file ‘yung kaso,” patuloy niya.

Nanindigan si suspended BuCor chief Gerald Bantag na ang NBP excavation ay para sascuba diving pool na pinondohan ng Agua Tierra Oro Mina Development (ATOM) Corporation.

Ayon naman kay ATOM president Virgilio Bote, umurong siya sa kasunduan kay Bantag.

Nang tanungin kung kasama sa sasampahan ng kaso si Bantag, sinabi ni Catapang na posible ito.

“Puwede po. Puwede siya makasuhan, opo,” aniya.

Samantala, inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remlla na personal na sinabi sa kanya ni Bantag na nnaghuhukay siya upang hanapin ang Yamashita treasure sa NBP. RNT/SA