HULI KA! Initsa sa kalsada ng hinuling rider, pinulot ng MTPB enforcer

HULI KA! Initsa sa kalsada ng hinuling rider, pinulot ng MTPB enforcer

July 14, 2020 @ 7:27 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ipatatawag ng pamunuan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang isa nitong traffic enforcer na nag-viral sa social media sa aktong may kinukuha sa kalsada mula sa itinapon ng isang rider na kanyang sinita sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay MTPB Operations chief Wilson Chua, posibleng matanggalan ng uniporme at ID ang naturang traffic enforcer kung saan tuluyan na itong masisibak sa trabaho sa oras na mapatunayang lumabag sa panuntunan ng nasabing departamento hinggil sa ipinapatupad nilang “No to Kotong”.

Aniya, pagpapaliwanagin nila ang nasabing traffic enforcer upang mabigyan ng pagkakataon na makapangatwiran.

Sa naturang video, makikita sa bandang 1 minuto at 25 segundo na tila may kinuhang isang bagay ang traffic enforcer sa kalsada mula sa hinagis ng isang rider na kanyang sinita sa Yuseco, kanto ng Rizal Ave. Sta.Cruz, Maynila kaninang alas-3:15 ng hapon.

Matatandaan na batay sa direktiba ni MTPB director Dennis Viaje, nagpapatupad sila ng “one strike policy” bilang bahagi ng kanilang paglilinis ng kanilang departamento laban sa mga tiwaling traffic enforcer sa Maynila. Jay Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...