Huling 30 araw ng kampanya, ‘crucial’ sa mga kandidato – Pulse Asia

Huling 30 araw ng kampanya, ‘crucial’ sa mga kandidato – Pulse Asia

April 8, 2022 @ 3:00 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Itinuturing na ‘crucial’ ng Pulse Asia ang huling 30 araw ng kampanya.

Ayon kay Ronals Holmes, president ng Pulse Asia Research Inc., possible kasing magkaroon ng malaking pagbabago sa numero sa loob ng 30 araw.

“It would really depend on how each candidate would really change their strategy. The last 30 days is like the last 2 minutes of a basketball game. The other team might be leading 12 to 15 points, the last 2 minutes is a crucial thing. If someone shoots five 3-pointers, the game is tied,” ani Holmes sa isang interbyu sa ANC.

“It’s not a question of whether the race is done. Those 30 days of campaign will be crucial. It might be best for some candidates to look back in term of their messages, how it can be refined and trying to escalate activities that will generate support for their candidacy,” dagdag niya.

Kasabay nito, iginiit ni Holmes na hindi nagkakamali ang survey kasunod ng mga kritisismo ng ilang kandidato sa resulta ng kanilang survey.

“There’s a level of confidence, a margin of error, but just to dismiss it because the results do not favor you, to me, is a little bit irrational,” aniya.

“I would caution in terms of going to the extent of shooting the messengers because they would have to realize that message is very important and it’s something that should assist them in calibrating their strategies.”

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, nangunguna pa rin si dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos na nakakuha ng 56% ng 2,400 respondents na nagsabing siya ang iboboto kung isinagawa ang halalan noong Marso kung kailan inilunsad ang survey.

Tumaas naman ng 9 puntos si Vice President Leni Robredo, na nakakuha ng 24% mula sa 15% na nakuha nito noong Pebrero.

Pumangatlo si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na mayroong 8%, sinundan ni Sen. Manny Pacquiao, 6% at Sen. Panfilo Lacson, 2%. RNT/ JCM