Huling batch ng biniling COVID vax ngayong taon dumating na sa Pinas

Huling batch ng biniling COVID vax ngayong taon dumating na sa Pinas

December 31, 2021 @ 9:14 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Dumating na sa Pilipinas ang karagdagang 609,570 pang dose ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine sa Ninoy Aquino International Airport kagabi, Disyembre 30.

Sinalubong naman ito nina National Task Force against COVID-19 adviser Dr. Ted Herbosa at US Embassy Consul Michael William Leach.

“This last shipment completes all procurement by the government for the year 2021,” ani Herbosa sa NAIA Terminal.

Dagdag pa nito, natanggap na ng Pinas ang nasa 210 milyong dose ng COVID vaccine galing sa iba pang manufacturers.

Gayundin ay hinikayat nito ang publiko na magpaturok laban sa COVID-19 partikular na sa batna ng mga variant nito. RNT/FGDC