Huling ka-chat ni Christine Silawan, tinutugis na

Huling ka-chat ni Christine Silawan, tinutugis na

March 15, 2019 @ 4:53 PM 3 years ago



Manila, Philippines – Isinimana na sa person-of-interest ng Philippine National Police (PNP) ang huling ka-chat ni Christine Silawan, ang 16-anyos na dalagitang natagpuang patay at labas na ang bungo sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Ayon kay PNP spokesperson Senior Supt. Bernard Banac, nadiskubre nila ang palitan ng mensahe sa pagitan ni Silawan at ng hindi muna pinangalanang person-of-interest sa cellphone ng kamag-anak ng biktima.

“According to the SITG (special investigation task group), a cellphone was recovered from one of the victim’s relatives. There were conversations found in the cellphone that gave the investigators some leads,” pahayag ni Banac sa press briefing sa Camp Crame.

“The cellphone is owned by the relative. Probably, the victim borrowed it prior to the incident. When she returned the phone, the conversation remained and the person she last talked to is now considered a person-of-interest.”

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng manhunt operation ang pulisya sa person of interest.

Umapela naman si Banac sa publiko na huwag paniwalaan ang kumakalat na pangalan at litrato umano ng person of interest sa social media.

“The name and the picture that was posted in the Internet didn’t come from the SITG. They wouldn’t release information because a manhunt operation is now on-going against the person-of-interest and they don’t want to jeopardize that,” aniya.

Nauna rito, binanggit ni Lapu-Lapu City police chief Senior Superintendent Lemuel Obon na mayroon na ring 3 suspek na tinutugis na huli umanong nakitang kasama ng biktima.

Samantala, suspetsa ng pulisya, kung hindi lulong sa iligal na droga ay may matinding problema sa pag-iisip ang suspek sa karumal-dumal na krimeng ito.

“It may also be related to drug abuse. For persons who have psychological [disorder] and are drug-crazed, if you combine those two, then it is not impossible for them to do grim killings like this case,” paliwanag ni Banac. (Remate News Team)