Huling Simbang Gabi dinagsa

Huling Simbang Gabi dinagsa

December 24, 2022 @ 1:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Dumagsa ang mga mananampalatayang Filipino sa mga simbahan sa huling Simbang Gabi nitong Sabado ng madaling araw, Disyembre 24 bago ang araw ng Pasko.

Karamihan sa mga dumalo sa Simbang Gabi ay mga kabataan at mga nakatapos ng buong siyam na araw na misa ng madaling araw at nagsabi na sila ay masaya at nagpapasalamat na natupad nila ang tradisyon, at umaasa na ang kanilang mga panalangin ay ipagkakaloob.

Samantala, ang mga hindi nakakumpleto ng siyam na araw na Simbang Gabi ay nagsabi na nakiisa pa rin sila sa misa ngayong Sabado upang nagpasalamat sa biyaya ng Panginoon

Uso pa rin ang mga panindang puto bumbong at bibingka sa labas ng mga Simbahan sa panahon ng Simbang Gabi. Jocelyn Tabangcura-Domenden