Huling SONA magiging simple – Andanar

Huling SONA magiging simple – Andanar

July 15, 2021 @ 8:09 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na repleksiyon ng pagiging simple ni Pangulong Rodrigo \ Duterte ang aasahan ng publiko para sa huling State of the Nation Address (SONA) niya sa darating na Hulyo 26, 2021.

Ito ang paglalarawan ni PCOO Secretary Martin Andanar sa magiging SONA ng Pangulo at itinuring bilang isang optimistic speech.

Aniya, ilalahad ng Punong Ehekutibo ang reyalidad sa ground lalo na at kasalukuyan pa ring may presensiya ng pandemya, mga pili o importanteng nagawa at mga naging pagbabago sa nakalipas na limang taon.

Sinabi ni Andanar na matagal na nilang pinaghahandaan ang huling pag- uulat sa Bayan ng Pangulo habang nailatag na aniya na din ng grupo ng mga speech writers ang accomplishment ng Presidente.

Mula naman dito ay bahala na si Pangulong Duterte kung ano ang nais niyang maisama sa kanyang talumpati sa SONA lalo’t hindi naman mababangit lahat ang mga nagawa na nito sa kanyang panunungkulan.

Ani Andanar, ilan rito ay tungkol sa Build, Build, Build; Free tuition act, nakuhang benepisyo ng mga retirees, anti- corruption, may kinalaman sa peace and order at iba pa. Kris Jose