Huling tranche ng dagdag-sahod sa Muntinlupa LGU kasado na

Huling tranche ng dagdag-sahod sa Muntinlupa LGU kasado na

January 24, 2023 @ 12:38 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Inihayag ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon na matatanggap na ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan ang karagdagan sa mga dagdag sahod announced nitong katapusanng buwan.

Sinabi ni Biazon na ang ikaapat at huling tranche ng dagdag sahod para sa mga kwalipikadong empleyado, na naaayon sa Republic Act 11466 o ang Salary Standardization Law ng 2019, ay naging epektibo nitong Enero 1 kung saan ang unang tranche ng pagtataas ng suweldo ay naging epektibo naman ng Enero 1, 2020.

“Good news para po sa kawani ng pamahalaan. Pagdating po ng katapusan ng buwang ito ay pai-implement na ang fourth tranche ng Salary Standardization Law,” pag-aanunsyo ni Biazon sa isinagawang flag-raising ceremony sa Muntinlupa City hall grounds nitong Enero 23.

Base sa ilalim ng RA 11466, ang buwanang sahod ng isang nagtatrabaho sa gobyerno na nasasakupan ng Salary Grade 1 ay aangat sa P13,000 (Step 1 level) sa ikaapat na tranche kumpara sa P11,551 sa unang tranche.

Ayon naman sa Department of Budget and Management (DBM), nasasakupan ng RA 11466 ang lahat ng posisyon ng civilian personnel, maging regular man, casual, o contractual, appointive man o elective at full-time o part-time basis na binuo ng mga LGUs gayundin ang lahat ng posisyon ng barangay personnel na binabayanran ng buwanang honoraria.

Hindi naman kabilang sa nabanggit na pagtataas ng suweldo ang walang employer-employee relationship at ang mga pinondohan ng non-Personnel Services (PS) appropriations/budgets.

Maliban sa mga walang employer-employee relationship ay hindi rin kasama sa pagtataas ng suweldo ang mga militar at uniformed personnel, GOCCs na nakapailalim sa RA 10149, at mga indibidwalna nagseserbisyo na nakapailalim sa job orders, contracts of service, consultancy o service contracts na walang employer-employee relationship. James Catapusan