Huling utang ni Digong sa WB pumalo sa $178M; Pagkabansot sosolusyunan

Huling utang ni Digong sa WB pumalo sa $178M; Pagkabansot sosolusyunan

June 14, 2022 @ 11:39 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Kailangan na magkaroon ng 2.2-percentage point yearly decrease ang malaganap na child stunting o pagkabansot ng mga kabataan sa Pilipinas.

Tinatayang nakapagtala ito ng 30.3 percent noong 2018.

Sinabi ng Department of Science and Technology (DOST) na kailangan itong mabawasan ng 21.4 percent ngayong 2022.

Ang problema, sa kabilang dako, ang pagkabansot ay naging silent pandemic, ayon sa World Bank, binigyang diin nito na noong 2019, 29 percent—one sa tatlong kabataang Pinoy na ang edad ay lima pababa ang nabansot sa paglaki.

Sa naging pag-aaral noong 2021, “Undernutrition in the Philippines: Scale, Scope, and Opportunities for Nutrition Policy and Programming”, revealed that for nearly 30 years, “there have been almost no improvements in the prevalence of undernutrition.”

Ang Pilipinas, ayon sa World Bank, ay pang-lima sa hanay ng mga bansa sa East Asia at Pacific region na may mataas at malaganap ang pagkabansot at kabilang sa 10 bansa sa buong mundo na may mataas na bilang ng mga bansot na anak.

Sinasabi na noong 2019, ang malagap na “underweight” ay 19% habang ang ‘wasting; 6%, binigyang diin na base sa klasipikasyon ng undernutrition rates, ang paglaganap sa Pilipinas ay itinuturing na “very high” ang public health significance.

Ikukonsidera naman ng Washington-based multilateral lender sa Hunyo June 22 ang nasabing loan, na naglalayong pondohan ang multi-sectoral nutrition project na ipatutupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na pamumunuan ng radio personality na si Erwin Tulfo, at ng Department of Health (DOH), kung saan hindi pa alam kung sino ang susunod na mamumuno.

Matatandaang, ang gobyerno, noong 2021, ay pinag-iisipang lapitan ang World Bank para sa $200-million loan para paghusayin ang nutrition programs, lalo na sa local government units (LGUs), sa pagkakaroon ng mga sumusunod na bahagi gaya ng “Primary Health Care Integration: $127.3 million; Community-Based Nutrition Service Delivery: $62.1 million at Strengthening Lead Implementing Agencies: $10.6 million.”

Layon ng pinahuling proyekto ayon sa World Bank ay “to increase the utilization of a package of nutrition-specific and nutrition-sensitive interventions and improve key behaviors and practices known to reduce stunting in targeted LGUs.”

Ang stunting o pagkabansot ay sinasabing “impaired growth and development because of poor nutrition, is “one of the most significant impediments to human development,” affecting 162 million children below the age of five all over the world.”

Sinabi ng World Health Organization (WHO) na sa 2025, kapag ang kasalukuyang trend ay nagtuloy-tuloy, mas maraming kabataan o 127 milyong kabataan ang maaaring maging retarded: “With the COVID-19 pandemic, there is a possibility that more children will be stunted if there are no mitigating measures put in place.” Kris Jose