Human rights at Human life, hindi pwedeng paghiwalayin – Bishop

Human rights at Human life, hindi pwedeng paghiwalayin – Bishop

July 24, 2018 @ 1:25 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Nanindigan ang isang Catholic bishop na hindi maaaring paghiwalayin ang ‘human rights’ at ‘human life’.

Ito ang sinabi ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos bilang reaksyon sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA).

“Hindi natin puwedeng paghiwalayin yun, we respect Human rights to Promote human life’, ” ani Santos, sa panayam ng church run Radio Veritas.

“At ang human life, to promote it we have to preserve the rights of the people,” paliwanag pa ni Santos, na siya ring Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI).

Kaugnay nito, umaasa din ang Obispo na magkakaroon na ng pag-iingat ang Administrasyong Duterte kung ipagpapatuloy ang pagpapatupad ng ‘anti-drug campaign’ bilang bahagi ng programa ng pamahalaan base na rin sa tinuran nito sa kaniyang SONA.

“Kung itutuloy, dapat naman ay may pag-iingat. Be very cautious. Ituloy, pero ituloy na may pag-iingat sa buhay. At ang pag-iingat sa buhay ay paggalang sa karapatan dahil ang paggalang sa karapatan ay pagtataguyod ng buhay,” ayon pa kay Santos.

Batay sa tala, libu-libo na ang napapatay simula nang ilunsad ng administrasyong Duterte ang kanilang war on drugs. (Macs Borja)