Human rights defenders bill, suportado ng CHR

Human rights defenders bill, suportado ng CHR

March 17, 2023 @ 11:59 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpahayag ng suporta ang Commission on Human Rights (CHR) nitong Huwebes, Marso 16, sa pagsasabatas ng Human Rights Defenders Act, kasunod ng mas tumataas na banta ng panganib sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao.

“The past years have been a testament to the need to protect human rights defenders. For standing up for the rights of the weak, vulnerable and marginalized, they have often faced vilification, red-tagging, violence and, worse, even death,” pahayag ng CHR.

Dagdag pa sa suporta ng komisyon ay ang resulta ng isinagawang pag-aaral nito patungkol sa mga human rights defenders sa Pilipinas na inilathala noong 2020.

Kinikilala din sa ibang bansa ang tungkulin ng mga human rights defender sa pagpapalaganap ng buong respeto para sa karapatang pantao at rule of law.

“The CHR believes that the State has a legal and moral obligation to ensure protection of human rights defenders as they contribute to the development of the country in a democratic and peaceful way,” the CHR said. “What we should collectively address are issues of impunity, corruption, and abuse of power that further disempowers the most vulnerable”. RNT/JGC