Human rights defenders, may banta pa rin ng red-tagging – TFDP

Human rights defenders, may banta pa rin ng red-tagging – TFDP

January 13, 2023 @ 2:31 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinasalamin ng perjury case na inihain sa ilang human rights defenders at misyonero ng Simbahan ang patuloy na banta sa mga nagsusulong ng karapatang pantao.

Ayon kay Rev. Fr. Christian Buenafe, O. Carm, chairperson ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP), bagamat ibinasura ng korte ang perjury case ay maraming implikasyon ang kaso sa mga nagsusulong ng katarungan, pagkakapantay-pantay at kalayaan.

Ipilinawanag ng Pari na siya ring executive secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) na malinaw na ang hangarin ng simbahan na pagsilbihan ang mahihirap ay hindi ligtas sa red tagging at alegasyong kasapi sila ng rebeldeng grupo.

Gayunpaman, binigyang-diin ng Pari na hindi ito magdudulot ng takot upang isakatuparan ng mga misyunero ang kanilang misyon.

Iginiit ni Fr. Buenafe na kung mangingibabaw ang takot sa mga misyonerong lingkod ng Simbahan ay mahihinto at mawawalan din ng saysay ang kanilang layunin na maging daluyan ng biyaya, habag, awa at pagmamahal ng Panginoon para sa bawat isa.

Unang inihayag ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) na ang patuloy na red-tagging sa iba’t ibang mga organisasyon ng Simbahan ay nagiging banta ng kapahamakan at nakasisira sa integridad ng mga misyonero. Jocelyn Tabangcura-Domenden