Human rights experience ng bagong CHR chief kinuwestyon

Human rights experience ng bagong CHR chief kinuwestyon

September 30, 2022 @ 11:26 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kinuwestiyon ng Human Rights Watch (HRW) ang pagtatalaga kay Atty. Richard Palpal-latoc bilang tagapangulo ng Commission on Human Rights, at sinabing wala siyang mga kredensyal sa gawaing karapatang pantao.

“President Ferdinand Marcos Jr. just slapped victims of human rights abuses in the face with his appointment of a loyalist lawyer with no discernable experience in human rights work as new CHR chair,” ani Phil Robertson, Deputy Asia Director of HRW.

“The appointment process was totally opaque, lacked any sort of consultation, and raises fundamental questions about whether Marcos is embarking on a process to gut the CHR as an independent and impartial body empowered to investigate rights abuses without fear or favor of those in power,” dagdag pa niya.

Ang pagtatalaga ni Palpal-latoc sa puwesto ay nagpakita kung paano “nabigo si Marcos sa mahalagang maagang pagsubok na ito” tungkol sa kanyang pangako na isulong ang karapatang pantao, na kanyang idineklara noong United Nations General Assembly.

Ang HRW na nakabase sa New York, na nag-iimbestiga at nag-uulat sa mga pang-aabuso na nangyayari sa lahat ng sulok ng mundo, ay nagsabi na ang bagong tagapangulo ng CHR ay dapat patunayan ang kanyang sarili na karapat-dapat sa mahalagang posisyon. RNT