Human rights group sa PH gov’t: Paggamit ng ‘sovereignty card’ vs ICC drug war probe, tigilan na

Human rights group sa PH gov’t: Paggamit ng ‘sovereignty card’ vs ICC drug war probe, tigilan na

March 6, 2023 @ 10:13 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nanawagan ang human rights group na Karapatan sa pamahalaan na tigilan na ang paggamit ng “sovereignty card” upang protektahan umano si dating Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang opisyal sa pananagutan sa war on drugs.

Sinabi ng Karapatan nitong Linggo, na boluntaryo umanong inendorso ng Pilipinas at nilagdaan ang Rome Statute, dahilan para mapasailalim ang bansa sa international treaty.

“How is it an overreach on the part of the ICC (International Criminal Court) and a departure from the boundaries of its creation when everything was done in accordance with its mandate and procedures, matters that the Philippine government cannot pretend not to know or understand with a straight face and a forked tongue, including its lawyers who should know better,” anito.

Kumalas ang Pilipinas mula sa Rome Statute, na nagtatag sa ICC, noong March 2019, sa ilalim ng Duterte administration, kung saan idiniit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. insisting that the na walang intensyon ang bansa na muling umani sa ICC.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa United Nations Human Rights Council na ibinasura ng Pilipinas ang muling pagbubukas ng ICC ng imbestigasyon nito sa mga naiulat na pagpatay sa war on drugs ng dating administrasyon.

Binigyang-awtorisasyon ng ICC nitong Enero ang muling pagkakasa ng imbestigasyon sa war on drugs ng Duterte administration, na tinawag na “irritant” ni Remulla.

Inihayag naman ng pamahalaan ang intensyon nito na umapela sa ICC Appeals Chamber hinggil sa muling pagbubukas ng imbestigasyon.

“When will government officials be honorable and honest enough to admit that the Philippines willingly, voluntarily, and solemnly endorsed and signed the Rome Statute and that complaints filed against Duterte, et. al. were made when it was still covered by the international treaty?” pahayag ng Karapatan.

“The previous and present Philippine governments sound like a broken, nay discordant, record before the world when they turn upside down and distort basic legal principles to fit their sectarian interests,” patuloy nito.

Batay sa datos ng pamahalaan, 6,200 drug suspects ang napatay sa police operations mula June 2016 hanggang November 2021. Subalit ayon sa ilang human rights groups, ang actual death toll ay tinatayang mula 12,000 hanggang 13,000.

“The extrajudicial killings connected with the war against illegal drugs were clearly the worst kind among wrongdoings, depriving citizens of their very right to life when they should first be investigated and rehabilitated if they were indeed involved,” giit ng Karapatan. RNT/SA