Human rights lawyer, asawang buntis nakaligtas sa tadtad ng bala

Human rights lawyer, asawang buntis nakaligtas sa tadtad ng bala

August 9, 2022 @ 9:51 AM 2 months ago


COTABATO CITY- Nagkasa na ng malalimang imbestigasyon ang Cotabato City-PNP hinggil sa pamamaril sa sasakyan ni Atty. Ariff Lao, Maguindanao provincial director ng Bangsamoro Human Rights Commission (BHRC) noong Sabado sa lungsod na ito.

Ayon kay Colonel Querubin Manalang, city police director, dakong 7:00 PM ng Agosto 6, nakaparada ang sasakyan ni Lao sa kahabaan ng Sinsuat Avenue, ng nasabing lungsod.

Sa pagresponde ng mga tauhan ng mga pulis at Task Force Kutawato ng 6th Infantry Division, may dalawang tama ng 9mm na baril ang sasakyan ni Lao sa bandang upuan ng driver.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dalawang lalaki na naka-motorsiklo ang dumaan sa nasabing lugar at pinagbabaril ang sasakyan ni Lao habang nakaparada.

Sinabi naman ni Lao, kasama niya ang kanyang buntis na misis at kababa lamang nila ng sasakyan para bumili ng hamburger sa isang restoran na nasa gilid ng kalsada.

Dito, bigla na lamang silang nakarinig ng magkasunod na putok ng baril.

“If he was indeed the target, he would have been shot as he alighted from his vehicle, too early to tell if indeed he was the target, we suspect it to be indiscriminate firing, our investigation is ongoing.” ani pa ni Manalang.

Samantala, kinondena naman ng BHRC ang posibleng pagtataka sa buhay ni Lao.
“This attempt on the life of human rights defender has no place in a just and civil Bangsamoro society,” it said, even as it urged authorities to probe the incident and “hold accountable the perpetrators”.

Sinabi pa ng BHRC na magsasagawa rin sila ng imbestigasyon para lumabas ang katotohanan hinggil sa nasabing insidente./Mary Anne Sapico