Human rights tracking database inilunsad ng Pinas

Human rights tracking database inilunsad ng Pinas

February 16, 2023 @ 10:14 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – NAGLUNSAD ang Pilipinas ng tracking database na naglalayong tiyakin ang maayos na “information sharing at reporting” ng mga accomplishments at best practices para sa promosyon, proteksyon at katuparan ng human rights sa bansa.

Sinabi ng Presidential Human Rights Committee Secretariat (PHRCS) na ang National Recommendations Tracking Database (PH-NRTD) ng PIlipinas ay inilunsad sa isinagawang worshop sa Clark, Pampanga, mula Pebrero 8 hanggang Pebrero 10.

Ayon sa PHRCS, ang PH-NRTD ang magigng “main repository of information” ng bansa na ibibigay ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan para tugunan ang rekumendasyon na nabanggit sa constructive dialogues kasama ang United Nations (UN) human rights mechanisms at UN Human Rights Council sa pamamagitan ng Universal Periodic Review.

Magsisilbi rin ito bilang plataporma para i-assess ang human rights commitments na ginawa ng Executive offices na nakalatag sa 3rd Philippine Human Rights Plan (PHRP) for 2018–2022.

Ang susunod na PHRP ay naakatakdang ipalabas ngayong taon.

“But the database is not merely a data-gathering tool…It also brings to concrete form our seriousness to actively engage and share with the UN and the world our best practices in complying with our human rights obligations by way of relevant laws, policies, programs, projects, and other initiatives,” ayon kayPHRCS Executive Director Severo Catura.

Sinabi pa ni Catura na ang Pilipinas ang pangalawang Asian country, sumunod sa Malaysia ang nagsagawa ng pilot sa paggamit ng human rights tracking database.

Samantala, dumalo naman sa workshop ang mga opisyal mula sa Department of Foreign Affairs, Department of Justice, Office of the Court Administrator-Supreme Court, Department of Labor and Employment, Department of Migrant Workers, Department of Social Welfare and Development, Department of the Interior and Local Government, National Economic and Development Authority, Philippine Commission on Women, National Commission on Indigenous Peoples, National Council on Disability Affairs, Department of Education, Department of Health, Armed Forces of the Philippines-Center for Law and Armed Conflict, Council for the Welfare of Children, Dangerous Drugs Board, Juvenile Justice and Welfare Council, Philippine National Police-Human Rights Affairs Office, at Philippine Statistics Authority. Kris Jose