Human Security Act, nilusaw ng Senado; Bagong anti-terrorist law, inaprubahan

Human Security Act, nilusaw ng Senado; Bagong anti-terrorist law, inaprubahan

February 27, 2020 @ 10:54 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Tuluyan nang nilusaw ng Senado ang malabnaw na Human Security Act saka ipinalit ang bagong Anti-Terrorists Law na magbibigay ng karagdagang pangil sa pamahalaan upang labanan ng terorismo.

 

Sa botong 19-2, inaprubahan ng Senado nitong Miyerkoles ang Senate Bill No. 1083 na magbibigay ng karagdagang ngipin sa batas laban sa terorismo kaya’t nalusaw ang Human Security Act of 2007.

 

Kabilang sa bomotong pabor sa panukala sina Senador Sonny Angara, Nancy Binay, Pia Cayetano, Ronald “Bato” dela Rosa, Grace Poe, Imee Marcos, Manuel “Lito” Lapid, Joel Villanueva, Cynthia Villar, Emmanuel “Manny” Pacquiao, Win Gatchalian, Christopher Lawrence “Bong” Go, Richard Gordon, Panfilo “Ping” Lacson, Bong Revilla, Francis “Tol” Tolentino, Minority Leader Franklin Drilon, Majority Leader Migz Zubiri at Senate President Vicente C. Sotto III.

 

Tumutol naman sa panukala sina   Senador Francis “Kiko” Pangilinan at Risa Hontiveros.

 

Ayon sa panukala, binibigyang Anti-Terrorism Act of 2020 ng mas matibay na legal backbone ang pamahalaan upang suportahan ang criminal justice system bilang tugon sa terorismo, bigyan ang law enforcer ng kinakailangang kagamitan upang protektahan ang mamamayan laban sa banta ng terorismo; at kasabay nito, pangalagaan ang karapatan ng akusado sa krimen.

 

“We need a strong legal structure that deals with terrorism to exact accountability, liability and responsibility. Those who have committed, are about to commit, or are supporting those who commit terroristic acts should be prosecuted and penalized accordingly,” ayon kay Lacson, isponsor ng panukala.

 

Kabilang sa sakop ng batas ang dayuhang terorista upang pagtakpan ang Filipino nationals na magsagawa ng terorismo sa ibang bansa.

 

“Senate Bill 1083 introduced provisions imposing life imprisonment without parole on  penalizing those who will propose, incite, conspire, and participate in the planning, training, preparation and facilitation of a terrorist act; as well as those who will provide material support to terrorists, and recruit anyone to be a member of a terrorist organization,” paliwanag pa ni Lacson.

 

Sa ilalim ng panukala, mahahatulan ng parusang 123 taong pagkakakulong ang sinumang na nagbantang maghahasik ng terorismo at may katulad na parusa laban sa sinuman na magsasagawa ng pagkilos terorismo o himukin ang iba na gumawa ng krimen.

 

“Any person who shall voluntarily and knowingly join any organization, association or group of persons knowing that such is a terrorist organization, shall suffer imprisonment of 12 years. The same penalty shall be imposed on any person found liable as accessory in the commission of terrorism,” ayon sa panukala.

 

“The measure not only establishes Philippine jurisdiction over Filipino nationals who may join and fight with terrorist organizations outside the Philippines but also ensures that foreign terrorists do not use the country as a transit point, a safe haven to plan and train new recruits for terrorist attacks in other countries,”
paliwanag pa ng bagong batas.

 

Tinanggal ng panukala ang probisyon na magbabayad ng P500,000 damages kada araw ng pagkakakulong sa sinuman na napawalang-bisa sa kasong terorismo. Pero, pinayagan ng batas na maikulong ang sinumang pinaghihinalaan ng 14 calendar days at maaari pang lumawig ng sampung araw kahit walang warrant of arrest.

 

Inatasan naman ng isang probisyon ang partikular na Regional Trial Court (RTCs) bilang   Anti-Terror Courts, upang matiyak na mabilis ang disposisyon ng kaso.

 

“Also, the use of videoconferencing for the accused and witnesses to remotely appear and testify will be allowed under the measure,” ayon pa kay Lacson.

 

Pinapayagan ang pulisya o military na magsagawang surveillance sa mga pinaghihinalaang terorista sa loob ng 60 araw at maaaring palawigin ng 30 araw pa na dapat may awtorisasyon mula sa   Court of Appeals (CA).

 

“Any law enforcement or military personnel found to have violated the rights of the accused persons shall be penalized with imprisonment of 10 years, the senator said.

To allay concerns of possible excesses by the authorities, the Commission on Human Rights (CHR) shall be notified in case of detention of a suspected terrorist,” giit ng panukala.

 

“The measure also mandates the CHR to give the highest priority to the investigation and prosecution of violations of civil and political rights of persons and shall have the concurrent jurisdiction to prosecute public officials, law enforcers and other persons who may have violated the civil and political rights of suspects and detained persons,” dagdag pa ng panukala. Ernie Reyes