Hurricane Michael nasa category 4 na

Hurricane Michael nasa category 4 na

October 10, 2018 @ 7:32 PM 4 years ago


 

Florida – Mas lumakas pa ang Hurricane Michael habang papalapit ito sa Florida Gulf Coast sa Panama City dahilan para iakyat na sa category 4 ang bagyo.

Tinawag na ‘extremely dangerous’ ang bagyo ayon sa National Hurricane Center taglay ang hanging aabot sa 220 kilometro kada oras at posibleng magdala ng malaking sea surge o daluyong na aabot sa 13 feet o apat na metro.

Nasa 375,000 nang mga residente ang inilikas mula sa 20 counties.

“Hurricane Michael is an unprecedented event and cannot be compared to any of our previous events. Do not risk your life, leave NOW if you were told to do so,” ayon sa inilabas n autos ng National Weather Service office ng Tallahassee. (Remate News Team)