Hustisya sa mga namatay sa kamay ng mga awtoridad, hiling ng grupong RESBAK

Hustisya sa mga namatay sa kamay ng mga awtoridad, hiling ng grupong RESBAK

July 23, 2018 @ 1:50 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Nais ipakita ng grupong RESBAK o Respond and Break the Silence against the Killings sa publiko ang kawalan ng hustisya sa mga umano’y libo-libong nanlaban at namatay sa kamay ng mga awtoridad.

Ang imahe ng isang babae na tila nagluluksa ay sinisimbolo umano ng “Inang Bayan” na lumuluha dahil sa mga hindi makataong pagpatay umano sa mga drug suspects.

Habang ang itim na papel na hawak nito kung saan nakalista ang mga pangalan ng mga namatay sa isinagawang drug operation ng mga awtoridad at inakusahan na nanlaban.

Nais din iparating ng grupong RESBAK sa administrasyong Duterte ang kanilang hinaing hinggil sa mga hindi natupad umano nitong pangako tulad ng pagtaas ng minimum wage ng mga manggagawang Pilipino na aabot sa P750, pagtaas ng mga bilihin dulot ng TRAIN law, kontraktwalisasyon atbp. (Jay Reyes)