Hustisya sa pagkamatay ng daan-daang raliyista sa Venezuela – UN human rights

Hustisya sa pagkamatay ng daan-daang raliyista sa Venezuela – UN human rights

June 23, 2018 @ 12:18 PM 4 years ago


Geneva – Nanawagan ang United Nations (UN) sa gobyerno ng Venezuela na aksyunan ang insidente ng umano’y pagpatay ng kanilang security forces sa ilang daang demonstrators na nag-protesta kontra sa lider ng bansa.

Ayon sa UN human rights official, dapat mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng mga security forces at pairalin ang rule of law sa bansa.

Nagbabala rin silang dadalhin ang kaso sa International Criminal Court na nagsimula na ng preliminary investigation noong Pebrero.

Sa ngayon ay wala pang sagot dito si Venezuelan President Nicolas Maduro.

Ayon sa report, nasa 125 na tao ang namatay sa mga anti-government protest noong nakaraang taon.

Tinuturo ni UN rights spokeswoman Shamdasani ang mga tropa ng pamahalaan ng Venezuela na responsible sa pagkamatay ng nasa 46 dito. (Remate News Team)