Hustisya sa pinaslang na journalist sisiguruhin ni Taduran

Hustisya sa pinaslang na journalist sisiguruhin ni Taduran

December 10, 2021 @ 9:10 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Kinondena ni ACT-CIS Partylist Rep Niña Taduran ang pagpaslang kay Manila Standard reporter Jesus Malabanan kasabay ng panawagan nito sa kapulisan na agarang resolbahin ang karumal dumal na krimen.

Aniya, hindi katanggap-tanggap ang sinapit ni Malabanan lalo na sa panahon na ang gobyerno ay masigasig sa paghadlang sa karahasan laban sa mga mamamahayag.

“I am shocked at how journalists are being silenced by bullets. Their courage stems from their desire to tell the truth. We must not allow violence to kill that flame,” ani Taduran.

Muling iginiit ni Taduran ang pagpasa sa Media Workers Bill, aniys, kailangan ng media ng protekston at seguridad upang maipagpatuloy nila ng maayos ang kanilang trabaho.

“The Presidential Task Force on Media Security under its Executive Director Joel Egco is doing its best to give protection to the media workers. But media would need more than the help of a government agency. Media workers need a law to give them security. And that’s what the Media Workers Welfare Bill is aiming to do,” dagdag pa ng solon.

Ang nasabing panukala ay nakabinbin sa Senado. Gail Mendoza