Hustisya sigaw ng asawa ni Malabanan   

Hustisya sigaw ng asawa ni Malabanan   

December 10, 2021 @ 2:23 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Sumisigaw ng hustisya ang asawa ng pinaslang na mamamahayag na si Jesus Malabanan.

“Sana matulungan n’yo ako na hindi mamatay ang kaso na ito. Alam n’yo dto sa Calbayog sir, alam po ng lahat ‘yan kung anong kalakaran dito. Gusto kong manawagan kung matulungan niyo ako hanggang NBI, Crame kung may magaling na mag imbestiga,” saad ng asawa nitong si Mila sa isang panayam.

Si Malabanan ay correspondent at stringer ng Manila Standard Today, Reuters, at Banderana binaril ng hindi pa nakikilalang suspek sa Purok 12, Barangay San Joaquin sa Tinambacan District bandang 6:30 p.m.

Nanonood umano ang biktima ng telebisyon sa loob ng tahanan nang pagbabarilin.

Samantala, sinabi ni Lt. Ailleen Velarde, public information chief ng Samar Police Provincial Office, binuo na ang Special Investigation Task Group Malabanan para sa imbestigasyon.

“Kahapon nag-ocular inspection ang ating regional at provincial director upang pamunuan ng personal yung ginagawang imbestgasyon. After that ginawa yung first case conference ng special investigation task group.”  RNT/FGDC