“Huwag niyo kong piliting magpabakuna” – Irving

“Huwag niyo kong piliting magpabakuna” – Irving

October 17, 2021 @ 5:14 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagmatigas at nanindigan si Brooklyn Nets star Kyrie Irving sa kanyang pahayag na “doing what’s best for me” hinggil sa pagtanggi niyang magpabakuna laban sa COVID-19, kaya naman hindi siya makapaglalaro hanggang sa regular NBA play na magsisimula sa Okt. 21.

Iyan ang maikling salita ni Irving sa Instagram Live kahapon at kinumpirmang umaasa siyang makababalik din sa paglalaro kasama ng teammates at hihintayin niya lang ang tamang pagkakataon.

Kasunod ng pagsasabing huwag siyang pilitin kung ayaw niyang magpabakuna. “Do what’s best for you, but I am not an advocate for either side. “I am doing what’s best for me.

“I know the consequences here, and if it means that I’m judged and demonized for that, that’s just what it is, that’s the role I play.”

Idinagdag niya na, “No, I’m not retiring, and no, I’m not going and leaving this game like this. There’s still so much more work to do.”

Dahil na rin sa pandemya, iniatas ng New York City na huwag payagan ang mga hindi bakunadong atleta na makibahagi sa training at games huwag papasukin maging sa mga public arenas kabilang na  sa Nets’ Barclays Center home sa Madison Square Garden.

Unang napabalita na nakipag-private practice si Irving sa teammates pero ayon sa Nets noong Martes, hindi siya pwedeng lumaro o makipagpraktis sa team “until he is eligible to be a full participant.”

“Kyrie has made a personal choice, and we respect his individual right to choose,” ayon naman kay Nets executive Sean Marks.JC