Huwaran sa serbisyo-publiko, Bong Go pinapurihan ng Golden Globe Awards

Huwaran sa serbisyo-publiko, Bong Go pinapurihan ng Golden Globe Awards

December 20, 2022 @ 1:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Dahil sa kanyang pagiging ehemplo, nabubukod- tangi at makabuluhang pagseserbisyo sa publiko, ginawaran ng papuri si Senator Christopher “Bong’ Go ng Golden Globe Annual Awards for Business Excellence and Outstanding Filipino Achievers na idinaos sa Manila Hotel.

“Kami po’y mga probinsyano lamang na mga taga-Davao, taga-Mindanao, na binigyan ng Panginoon at ninyo ng pagkakataon na makapagserbisyo po sa inyo. Hindi po kayo ang dapat magpasalamat sa amin. Kami po ang dapat magpasalamat sa inyo dahil binigyan n’yo po kami ng pagkakataon na magkapagserbisyo po sa inyong lahat. Hindi ko po ito sasayangin ang pagkakataong ibinigay ninyo sa akin, sa tiwalang ibinigay ninyo sa akin,” ayon kay Go sa kanyang talumpati.

Sinabi ni Go na kahit walang papuri o awards ay patuloy pa rin siyang maglilingkod sa taongbayan na pinagkakautangan niya ng loob.

“Your faith in my abilities has pushed me to be the best version of myself. I am truly grateful for this award. However, with or without it, we continue to work and serve our people. Importante po, patuloy kaming magtatrabaho, mabigyan man ng parangal o hindi,” paniniyak niya.

Itinatag noong 2005, ang Golden Globe Annual Awards for Business Excellence at Filipino Achiever ay isang prestihiyosong award-giving body na nagbibigay ng parangal sa iba’t ibang personalidad, pulitiko, entertainer at indibidwal na may mahalagang bahagi sa lipunan.

Kaugnay nito, kinilala rin ng senador ang mga kontribusyon at pagsisikap ng kanyang mga kapwa awardees at binigyang-diin kung paanong ang kanilang hindi natitinag na dedikasyon at pangako sa paglilingkod sa bayan ay lubos na nagpaangat sa buhay ng maraming Pilipino.

“I would also like to extend my congratulations sa mga kapwa ko awardees. Sa lahat po ng mga awardees na nandirito, congratulations po sa inyong lahat. Palakpakan natin ang ating mga awardees. Isang karangalan na kilalanin kasama ng mga dedikado at masisipag na indibidwal,” anang senador.

“I am inspired by your commitment to serve your communities and make a positive impact in our beloved country. Your dedication to improving the lives of others is truly admirable, and I am grateful to have the opportunity to share this moment with you,” aniya pa.

Sa pagpapatuloy ng kanyang pahayag, pinasalamatan ni Go ang lahat ng miyembro ng Golden Globe Awards sa pagpapaabot ng nararapat na pagkilala sa mga milestone ng iba’t ibang negosyo, brand, produkto, at serbisyo na mahusay sa kani-kanilang larangan ng kadalubhasaan.

“I would like to thank everyone who is part of the Golden Globe Annual Awards for recognizing and celebrating the achievements of the Filipino. Your efforts to showcase the accomplishments of our people are greatly appreciated,” ani Go.

“At ako naman po ang inyong senador, bukas po ang aking tanggapan po para sa inyong lahat at magtatrabaho po ako sa inyo sa abot ng aking makakaya,” paniniguro ng mambabatas.

Tiniyak din niya na ipagpapatuloy ng gobyerno ang walang hadlang na serbisyo sa mamamayang Pilipino upang walang maiwan tungo sa pagbangon.

Patuloy niyang itutulak ang mas maraming legislative measures at inisyatiba para sa ikabubuti ng bansa at nangakong bibigyan ng kapangyarihan ang mga Pilipino, poprotektahan ang kanilang kapakanan, at palalakasin ang marginalized sectors sa abot ng kanyang kakayahan.

“Ang wish ko lang po para sa lahat ay magkaroon ng happy and healthy new year, at makabalik na tayo sa ating normal na pamumuhay katulad noon. Magtulungan lang po tayo. Sino ba namang magtutulungan kung hindi tayo na kapwa mga Pilipino. Malalagpasan rin po natin itong mga krisis na ating kinakaharap by helping each other,” sabi ng senador. RNT