Huwarang mangingisda sa Navotas pinarangalan

Huwarang mangingisda sa Navotas pinarangalan

January 16, 2022 @ 1:22 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Binigyan ng parangal at pagkilala nina Navotas City Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco ang magigiting na mga mangingisda. Sila ay mga huwaran dahil sa kanilang mahusay na pagtaguyod ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng responsableng pamamalakaya.

Si Tatay Marcial Francisco ang hinirang na Top 1 Most Outstanding
Fisherfolk. Maliban sa mga cash prizes at plake na natanggap, siya at ang iba pang mga nanalo ay maaaring pumili ng isang kapamilya na maaaring maging benepisyaryo ng Ulirang Pamilyang Mangingisda Scholarship ito ay kaugnay ng pagdiriwang ng ika-116th na founding anniversary ng lungsod. Jojo Rabulan