HVI kalaboso sa P816K shabu sa Valenzuela

HVI kalaboso sa P816K shabu sa Valenzuela

November 28, 2022 @ 1:50 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Swak sa kulungan ang isang lalaki na listed bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.8 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela Police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong suspek bilang si Turin Razul, 42 ng Brgy. 33, Tondo, Manila.

Ayon kay Col. Destura, dakong alas-8:15 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt Joel Madregalejo ng buy bust operation sa kahabaan ng Mc Arthur Highway malapit sa boundary ng Bulacan, Brgy. Malanday Valenzuela City.

Sa ulat ng pulisya, isang pulis na nagsilbi bilang poseur-buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P18,000 halaga ng umano’y shabu.

Nang matanggap ang pre-arrange signal mula sa poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng shabu sa suspek ay agad lumapit ang back up na operatiba saka sinunggaban si Razul.

Narekober sa suspek ang limang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 120 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price P816,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 bill, 3 pirasong P500 at 16 pirasong P1,000 boodle money, P320 recovered money, cellphone at asul na sling bag.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. R.A Marquez