HVI timbog sa P16M shabu

HVI timbog sa P16M shabu

January 1, 2023 @ 12:59 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaking high-value individual nang makumpiskahan ng higit P16-milyong halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Malabon City nitong Sabado, Disyembre 31.

Ang suspek na dinakip ay si Noel Herrera y Lonzano alyas Toto, 56, ng Maragarita St., Brgy. Niugan, Malabon City makaraang paiskorin ng droga ang isang undercover kapalit ng boodle money sa operasyon sa Pureza Street, Brgy. Tugatog, ng lungsod.

Nakuha kay Herrera ang dalawang kilo at 380 gramo ng sinasabing shabu na may presyong P16,184,000.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang haharapin ng dinakip. Merly Iral