“I am still alive” – Joma Sison

“I am still alive” – Joma Sison

February 9, 2022 @ 5:39 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Pinasinungalingan ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria “Joma” Sison ang mga balitang kumakalat sa social media tungkol sa siya ay namayapa na.

Ito ay makaraang bumaha sa social media ng balita sa kanyang pagpanaw bago ang araw ng kanyang pagdiriwang ng ika-83 kaarawan.

“I am still alive and I am celebrating my birthday today. Those spreading rumors that I am dead are liars.”

Sa katunayan, sinabing nakararanas lamang ito ng pamamaga nga hita dahil sa rheumatoid arthritis.

“These go away in only two to four days after medication.”

Samantala, sinisi naman ni CPP information officer Marco Valbuena sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang naturang kumalat na balita.

“Since around three days ago, the NTF-Elcac and its army of trolls on Facebook and Twitter have been circulating rumors of the passing away of Prof. Jose Ma. Sison, the CPP’s founding chair. They desperately wish to whip up a frenzy but have succeeded only in making themselves look like fools,” dagdag pa ni Valbuena sa Manila Bulletin.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang NTF-ELCAC tungkol sa nasabing isyu. RNT/FGDC