Manila, Philippines – Dumating na sa Manila sa unang pagkatataon si Grammy award-winning singer Celine Dion, madaling araw kanina (July 19) para sa kaniyang two-night concert, July 19 at 20, sa Mall of Asia Arena.
Lumapag ang sinasakyang private plane ni Dion mula Bangkok dakong alas-1 ng madaling araw.
Kahit bumuhos ang malakas na ulan pagkababa na pagbaba ni Dion sa eroplano, hindi nito napigilan ang singer na bigyan ng napakagandang ngiti ang kaniyang mga naghihintay sa kaniya at kumanta pa ng, “I had this song in my head, ‘I came ready.”
“I’m very, very excited. I’m not just talking about me, but I’m talking on behalf of all my people, the musicians, the singers, we’re all excited to be here,” sabi pa ni Dion.
Nagpahayag rin ang singer ng isang sweet message sa kaniyang mga Pinoy fans, “I can’t wait to meet them!”
Kabilang sa mga aabangan sa concert ni Dion sa MOA Arena mamayang gabi ay si Popstar princess Sarah Geronimo.
Pagkatapos ng dalawang gabing concert ni Dion sa Manila, susunod siyang magtatanghal sa kapitolyo ng Thailand sa July 23 na susundan naman ng ilang show sa Australia: July 27 at 28 sa Sydney, July 30 at 31 sa Brisbane, August 4 sa Perth, August 7 at 8 sa Melbourne. Ang kaniyang huling stop para sa kaniyang Asia Pacific tour ay sa New Zealand sa August 11, 12 at 14 na gaganapin sa Spark Arena sa Auckland.
Matatandaan na noong 2014 dapat magkakaroon ng unang concert ang Canadian superstar ngunit nakansela ito matapos malamang mayroong malalang sakit ang kaniyang asawa na si Rene Angelil. Pumanaw si Angelil sa kanser noong January 14, 2016. (Remate News Team)