“I hate gambling,” PDU30 ‘di papayagan ang mga bagong casino sa bansa

“I hate gambling,” PDU30 ‘di papayagan ang mga bagong casino sa bansa

August 9, 2018 @ 7:15 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Hindi papayagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga bagong casino na itayo sa Pilipinas.

Sinabi ito mismo ng Pangulo kahapon, kasunod ng kaniyang desisyon na sibakin lahat sa pwesto ang buong board members ng Nayong Pilipino Foundation kamakailan.

Inanunsyo ng Malakanyang ang pagpapatalsik sa buong board members ng Nayong Pilipino dahil sa pagpapatayo nito kasama ang Landing International ng Hong Kong ng $1.5 billion theme park sa Entertainment City ng Parañaque, itutulad sa Macau at Las Vegas.

Read: Opisyal ng Nayong Pilipino, sinibak

Sinabi ni Duterte na kinailangan niyang tanggalin ang lahat ng board memers ng Nayong Pilipino matapos niyang malaman ang mga panuntunan ng franchise.

“You don’t give gambling licenses or franchises for 75 years. What I mean to say is, when a child is born today, 75 years later — he is that old — there will still be gambling in the city? I will not allow it,” ayon kay Duterte.

“I hate gambling. I don’t want it. There will be no casinos outside what is existing. I’m not granting anything.”

Ayon naman sa Landing International, ang proyekto ay magpapatuloy pa rin dahil ang kontrata nito sa government corporations ay “valid and effective.”

Sinabi naman ni dating Nayong Pilipino Foundation chairperson Patricia Ocampo na siya ay susunod sa desisyon ng Pangulo ngunit mariin niyang itinanggi ang mga alegasyon ng korapsyon. Remate News Team