I.T. SECTOR LUMAGO NG MAHIGIT 8%, AYON SA DICT

I.T. SECTOR LUMAGO NG MAHIGIT 8%, AYON SA DICT

March 11, 2023 @ 8:05 AM 2 weeks ago


MASAYANG iniulat ng DICT o ng Department of Information and Communications Technology na nitong nagdaang taong 2022 ay nagpakita ng “strong performance” ang IT-BPM sector o ang information technology and business process management.

Umabot sa 8.4% ang itinaas ng FTE o ng full-time employees o karagdagang 1.57 million.
Nasa US$ 32.5 billion      ang kinita na nahigitan ang US$ 29.5 billion noong taong             2021.

Kaya target ng IBPAP o ng Information Technology and Business Processing Association of the Philippines na makalikha ng karagdagang 1.1 million na trabaho at mapaabot sa US$ 59 billion ang kita ng IT-BPM sector sa mga darating na panahon.

Pero ngayong 2023, inaasahan ng samahan na aabot sa 1.7 million ang mga magtatrabaho sa IT-BPM at may kitang US$35.9 billion dollar.

Inilatag naman ni DICT secretary Ivan John Uy ang mga nakaplanong gagawin ng Marcos’s administration sa sektor, kabilang ang pagsasagawa ng trainings and personal development ini-    tiatives tulad ng “DigitaljobsPH” at IT-BPM scaled upskilling programs.

Binigyang-diin din ng kalihim na bahagi ng Philippine skills framework ang pag-    didisenyo ng DICT na gumawa at magsagawa ng mga pagsasanay na akma sa “aligned skills and compe-tencies” batay sa pagtataya ng IT-BPM sector mismo.

Binibigyang-tutok din ng Kagawaran ngayon ang LIFT Program o ang “leveraging the IT-BPM industry and fostering local talents” na magpapakita sa kagalingan ng mga Pilipino pagdating sa IT-BPM at mapanatili ang pangunguna bilang provider       of global outsourced services.

Alinsunod na rin sa direktiba ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr., mas pinalalakas ngayon ng DICT ang ICT landscape sa mga kanayunan sa pamamagitan ng “Digital Cities 2025” na ekspansyon ng IT-BPM industry sa labas ng Metro Manila at iba pang highly urbanized cities.

-ooOoo-

Nag-aanyaya ang Archdiocese of Manila sa lahat ng mga interesado para sa isang bloodletting activity na gagawin sa March 30, 2023, araw ng Huwebes, sa Arzobispado de Manila sa Intramuros, Manila, malapit lamang sa Manila Cathedral, mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.

Tinawag itong “Dugo na Regalo mo, Buhay para sa Kapwa mo” kaugnay sa 71st birthday ni Archbishop Jose Cardinal Advincula sa nasabing araw. Makakasama rito ang Philippine National Red Cross.

`Sa mga katanungan, maaaring tumawag sa 8527.3956 at hanapin si Joel Madronio.