I-UPDATE ANG PHILHEALTH BENEFIT PACKAGES

I-UPDATE ANG PHILHEALTH BENEFIT PACKAGES

October 8, 2022 @ 1:39 AM 6 months ago


SAAN aabot ang kalahating milyong piso mo? Kung may sakit ka sa puso at kailangan ng coronary artery bypass graft surgery, kalahati pa lang ‘yan nang gagastusin mo.

Iyan ang katotohanang humaharap sa mga PhilHealth members na buwan-buwan ay naghuhulog ng higit isang libong piso sa pag-aakalang wala silang proproblemahin kapag nagkasakit sila.

Sa isang briefing ng PhilHealth para sa Senate committee on government corporations and public enterprise noong October 5, ibinunyag ni committee chairman Senator Alan Peter Cayetano na ang package ng PhilHealth para sa nabanggit na procedure ay P550,000, samantalang ang actual cost sa isang pangunahing ospital sa Maynila ay humigit kumulang P907,000. Samakatuwid, may out-of-pocket expense pa na P357,000, na para sa karamihan sa atin ay napakalaking halaga na.

Kaya nga, ‘ika ni Cayetano, maraming Pilipino ang napipilitang hindi na lang magpagamot dahil sa laki ng gastos kahit na may PhilHealth pa sila. Sa ipinakita niyang presentation sa briefing, sinabi ni Cayetano na 6 sa bawat 10 Pilipino ay namamatay na lang nang hindi man lang nakapagpapatingin sa doktor.

Base rin sa isang survey noong 2019, aabot sa 99% ng mga Pilipino ang hindi bumibili ng gamot na pine-prescribe sa kanila dahil sa kamahalan nito. Kung susumahin, aabot sa 44.7% ng gastos sa healthcare ay ang mga mamamayan mismo ang gumagastos imbes na ang PhilHealth o ibang insurers.

Lahat ito ay nangyayari kahit na mayroon nang No Balance Billing Policy ang PhilHealth, o yung tinatawag na “zero billing.” Taong 2012 pa ito nasimulan, at sa ilalim nito ay dapat wala nang ibang babayaran ang PhilHealth member sa government hospitals o sa mga private hospital na PhilHealth-accredited. Noong 2012 din nasimulan ang All Case

Rates Policy ng PhilHealth na nagtatalaga ng halagang ire-reimburse sa miyembrong nagkakasakit.
Sa panahon ngayon, bawal magkasakit.