Ian, mas tinilian kesa kay Coco!

Ian, mas tinilian kesa kay Coco!

December 24, 2022 @ 3:30 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Simple pero pinag-effortan.

Ganito maaaring ilarawan ang walong floats ng opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival na nakibahagi sa Parade of Stars kamakailan.

Nagsimula ang maningning na parada sa Welcome Rotonda at nagtapos sa Quezon City Memorial Circle.

Base sa turnout ng mga manonood na matiyagang nag-abang ng parada, masasabi ngang unti-unti nang bumabalik ang interes ng publiko na tangkilikin ang mga pelikulang ipinalalabas sa mga commercial theatre.

Sa Araw ng Pasko mismo magbubukas ang mga sinehan for all eight entries.

Kaugnay ng parada, nangunguna sa linya ang float ng Family Matters.

Hindi nakasakay ang mga bida roon na sina Liza Lorena at Noel Trinidad, which was understandable dahil mga senior citizen na sila.

No-show rin sina Edu Manzano at Aljur Abrenica sa float ng Now It Can Be Told: Mamasapano.

Wala rin sa float ng My Teacher si Joey de Leon pero present si Toni Gonzaga at real-life sweethearts na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Nasaksihan din ang yakapan nina Vice Ganda at Toni sa float ng huli, finally putting to rest ang isyung may alitan sila.

Sa halip ay nakatutok ang pansin kina Vice Ganda at Ivana Alawi sa kanilang float na balitang hindi on good terms.

Malagihay naman ang pagtanggap ng tao sa pagdaan ng float ng Deleter sakay ang bidang si Nadine Lustre.

Obyus na ang hinahanap pa rin sa Viva artist ay ang dati nitong nobyong si James Reid.

But the revelation of revelations ay ang magkasalungat na reaksyon ng tao kina Coco Martin at Ian Veneracion na nasa magkaibang float.

Sakay ng Labyu With An Accent float si Coco with Jodi Sta. Maria, samantalang nasa Nananahimik Ang Gabi float si Ian with Heaven Peralejo.

Kapansin-pansin na mas nakakatulig sa tenga ang tilian kay Ian kesa kay Coco.

Ibig bang sabihi’y pinagsawaan na ang karakter ni Coco na si Cardo Dalisay?

Step aside, Coco dahil here comes Ian? Ronnie Carrasco III