Ian, naka-bonding si Ate Guy, nag-emote!

Ian, naka-bonding si Ate Guy, nag-emote!

January 5, 2023 @ 7:30 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Kapiling ng Superstar na si Nora Aunor ang anak na si Ian de Leon at adopted son na si Kenneth noong bisperas ng Pasko.

Base sa vlog na in-upload ni Ian sa kanyang YouTube Channel na ang title ay, “At last! a memorable Christmas with Mom! @noraaunorofficial950”

Ayon pa kay Ian, “After  years of being apart, finally we spent time with Mom this Christmas! A perfect and memorable time with my family to be together with her!”

Sabi pa ni Ian ay hindi siya gaanong nakakapag-live stream dahil abala siya sa maramng bagay.

“Christmas special po with our beloved mommy, yes nag-Noche Buena po kami sa bahay niya nu`ng December 24. Grabe after a long time, ngayon lang ulit kami nagkasama.

“Iba-ibang emosyon ang naramdaman ko nu`n, excited, tuwang-tuwa, ang dami kong gustong ikuwento. Well, personally, ang dami kong gustong ikuwento kay Mommy. Gusto kong makipagkuwentuhan pero siyempre, yung bagay na yun ay reserved na lang for some other time kasi nandoon kami to enjoy family moments, Noche Buena style,” kuwento ni Ian.

Dahil family moment ay hindi masyadong nakapag-video o nakapag-picture taking si Ian dahil naka-focus siya sa intimate experience nila with her mom na si Ate Guy.

Sinabi rin ni Ian na kasama niya ang kanyang mga anak at asawa, si Kenneth naman ay kasama rin ang kanyang pamilya.

“Hindi namin pinalampas ang moment na ito na hindi fulfilling,” say pa ni Ian.

Makikita sa video ni Ian na nagkakasayahan ang mga apo ng Superstar habang isa-isa niyang binibigyan ng regalo.

Sabi ni Ian, “Hindi na kami papansinin ng mga yan, Ma (Nora).”

Isang simpleng Nora Aunor ang nakita na walang make-up habang pinapanood ang mga apo na naglalaro ng kanilang regalong laruan.

Makikita rin sa twelve minute video ni Ian kung gaano kasaya ang kanyang mga anak at mga apo kasama ang nag-iisang Superstar. Gerry Ocampo