Ian, nangaral sa cheating!

Ian, nangaral sa cheating!

June 8, 2022 @ 5:30 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Maaga mang nag-settle down, tinuturing ni Ian Veneracion na “best decision of his life” ang pag-aasawa at the age of 22.

Proud na ibinahagi ito ni Ian sa vlog ng broadcast journalist na si Karen Davila.

Marahil marami ang napapaisip kung bakit hindi nasisilayan sa Instagram account ni Ian ang asawa nito.

Paliwanag ng aktor, “She doesn’t like attention. Hindi naman s’ya mahilig sa selfie, wala siya sa social media. That’s one thing I also like about her.”

Madalas ang cheating at maraming napapabalitang celebrity couples na naghihiwalay so what’s Ian’s take about cheating?

“Madaling mambabae, kahit sino puwedeng mambabae. There’s nothing cool about it. Pero ’yung sticking to the one you know that’s meant for you, that’s the right path. It takes more of a man to be like that,” saad nito na payo na rin sa dalawang lalaking anak.

In this world full of manloloko, get yourself an Ian Veneracion! Lol. Paula Jonabelle Ignacio