IATF-EID overhaul panawagan ng med group

IATF-EID overhaul panawagan ng med group

April 8, 2021 @ 10:43 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Muling ipinanawagan ng grupo ng healthcare workers sa gobyerno na palitan ang mga kasalukuyang namumuno sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Ang IATF ang siyang nangunguna sa pagsugpo ng COVID-19 sa bansa.

Ani Dr. Magdalena Barcelon ng Solidarity of Health Advocates and Personnel for a Unified Plan to Defeat COVID-19 (SHAPE UP) isang taon na ay wala pa rin umanong kongkretong istratehiya ang IATF laban sa COVID-19.

Aniya na dapat maluklok sa IATF ay mga public health experts, social scientists, epidemiologists, virologists, at iba pang specialists at hindi mga dating military officials.

“Public office is a position of public trust. The pandemic is a public health crisis and must be approached with medical solutions and not punitive military interventions,” ani Barcelon.

“The Filipino people deserve better than this current chaotic and disastrous COVID response,” dagdag pa niya.

Maging ang iba pang government structures sa national, local, departmental, fiscal at implementing field personnel na nakatutok sa pandemic response ay dapat mabago at maayos. RNT


  •  
  •  
  •