IATF nagtakda ng bagong quarantine, testing protocols sa inbound travelers

IATF nagtakda ng bagong quarantine, testing protocols sa inbound travelers

November 19, 2021 @ 4:46 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Naglabas ng bagong quarantine at testing protocols ang Inter-Agency Task Force (IATF) para sa mga Pilipino at foreign travelers na manggagaling sa green, yellow, at red list territories, epektibo Nobyembre 22, 2021.

Sa kanyang virtual press briefing, sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, na hindi pa rin makapagdesisyon ang Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases kung bubuksan ang bansa sa mga turista.

Ang mga fully vaccinated Filipino mula sa green list countries ay maaaring pumili na sumailalim sa negative reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) na gagawin sa loob ng 72 hours bago pa ang kanilang departure mula sa bansang kanilang pinagmulan.

Ang pagkakaroon ng negative pre-departure coronavirus (COVID-19) test ay basehan para ang mga pasaherong ito ay hindi na mapunta pa sa facility-based quarantine at on-arrival RT-PCR test.

Ang mga Fully vaccinated Filipino naman na walang negative pre-departure COVID-19 test ay sasailalim sa covid 19 test sa kanilang pagdating at sasailalim sa facility-based quarantine hanggang sa maipalabas ang negative results. 

Hihikayatin din ang mga ito na mag-self-monitor hanggang pang-14 na araw simula sa petsa ng kanilang pagdating.

Samantala, ang mga fully vaccinated foreign travelers ay required na sumunod sa test-before-travel requirement. Hindi naman ire-require sa mga ito na sumailalim sa facility quarantine o testing sa kanilang pagdating subalit kailangan na mag-self-monitor para sa sintomas hanggang pang-14 na araw.

“On the other hand, unvaccinated, partially vaccinated individuals whose vaccination status cannot be independently validated, and those vaccinated but failed to comply with the test-before-travel requirements must undergo facility quarantine until the release of a negative RT-PCR test that will be taken on the fifth day. They are also required to self-monitor for symptoms until the 14th day,” ayon kay Nograles.

Para naman sa Fully vaccinated travelers mula sa yellow list territories, kailangan na magpakita ang mga ito ng negative pre-departure test na isinagawa sa loob ng 72 oras bago pa ang kanilang departure mula sa bansang kanilang pinanggalingan.

Sa oras na dumating na sa bansa, sasailalim ang mga ito sa facility-based quarantine at inaatasan na mag-RT-PCR test sa pangatlong araw.

Mapapalabas lamang sila sa pasilidad kapag naipalabas na ang negative RT-PCR test at may atas na mag- self-monitor hanggang pang-14 na araw mula sa petsa ng kanilang pagdating.

“If without a negative pre-departure test, they shall undergo facility-based quarantine with a fifth-day RT-PCR test and will be discharged upon the release of a negative test. They shall be required to undergo home quarantine until the 10th day from the date of arrival,” ayon sa iatf.

“Those who are unvaccinated, partially vaccinated, and individuals whose vaccination status cannot be independently validated will have to undergo facility-based quarantine with an RT-PCR test done on the seventh day. Upon the release of a negative RT-PCR test, they shall be required to undergo home quarantine until the 14th day from the date of arrival,” ayon pa rin sa IATF.

Sinabi naman ni Nograles na “the IATF classified “yellow list” countries/jurisdictions/ territories as “Moderate Risk” base sa mga sumusunod na metrics:

  • Para sa populasyon na mahigit sa 100,000, ang incidence rate ay kailangan na 50 hanggang 500.

  • Para sa populasyon na mas mababa sa 100,000, ang COVID-19 case counts ay kailangan na 50 hanggang 500; ang testing rate ng tests sa nakalipas na 28 araw ay 100,000 population.

Samantala, wala namang pasahero mula sa red list territories ang papayagan na makapasok ng bansa maliban na lamang kung ang mga ito ay babalik ng bansa sa pamamagitan ng sumusunod na channels:

  • Government-initiated repatriation

  • Non-government-initiated repatriation

  • Bayanihan Flights

Ang mga pasaherong papayagan na bumalik ng bansa ay sasailalim sa 10-day facility-based quarantine.

“However, passengers merely transiting through Red List territories shall not be deemed as having come from or having been to the said territories if they stayed in the airport the whole time and were not cleared for entry. They will still also have to comply with existing testing and quarantine protocols,” ayon sa iatf.

Sinabi naman ni Nograles na “The IATF classified red list countries/jurisdictions/territories as “High Risk” base sa mga sumusunod na metrics:

  • Para sa populasyon na mas higit sa 100,000, ang incidence rate ay kailangan na mahigit sa 500.

  • Para sa populasyon na mas mababa sa 100,000, ang COVID-19 case counts ay kaikangan na mahigit sa 500, at anb testing rate ng tests sa nakalipas na 28 araw kada 100,000 population.

Samantala, ang mga bi-byaheng menor de edad ay kailangan na sumunod sa kaparehong testing at quarantine protocols gaya ng mga magulang o guardians na kasama nila sa biyahe.

“This is regardless of the minor’s vaccination status and country of origin,” ayon kay Nograles. Kris Jose