IATF, napadadalas na ang pagpupulong para sa susunod na community quarantine classification

IATF, napadadalas na ang pagpupulong para sa susunod na community quarantine classification

July 28, 2021 @ 6:10 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) at mga eksperto ang mga numero ng COVID cases sa bansa bago gumawa ng naaayong desisyon ukol sa bagong quarantine classifications sa buwan ng Agosto.

Pahayag ito ng Malakanyang sa mungkahi  ng OCTA Research na ilagay sa two-weeks circuit breaker lockdown ang Metro Manila dahil sa tumataas na namang kaso ng COVID-19.

“Lahat ng mga numero  tinitingnan natin, at in fact noong Martes nag-meeting ang IATF at may mga recommendations tayo ng community quarantine classifications sa iba’t ibang lugar dito sa ating bansa,” ayon kay Secretary to the Cabinet at IATF Vice-Chairman Karlo Norgrales.

Aniya, inabisuhan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan para may pagkakataon pang umapela bago ianunsiyo ang magiging bagong quarantine classifications sa susunod na buwan.

“Yung DILG ay nakikipag-ugnayan na sa LGUs, binibigyan na sila ng advance notice sa aming irerekomenda kay Pangulong Duterte para sa community quarantine classifications for August para mabigyan ng pagkakataong umapela ,” ani Nograles.

Ani Nograles, may kapangyarihan ang mga lokal na opisyal na magpatupad ng lockdown sa kanilang lugar kung inaakalang peligroso na sa ibang mamamayan ang kaso ng COVID-19 sa kanilang nasasakupan.

“Mayroong authority ang LGUs to impose hard lockdowns sa mga barangay, localized or granular lockdown sa mga barangay, lurok, street, building kug may nakikitang pagtaas ng kaso basta lang mag coordination sa regional IATF,” ang pahayag ni Nograles.

Samantal, sinabi naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na matagal nang ginagawa ng LGU ang circuit breaker lockdown o granular lockdown.

Sa katunayan aniya ay may 4 hanggang 5 LGUs ang nagpapatupad na ang granular lockdown dahil may mataas na covid 19 cases.

Bahagi aniya ito ng Prevent, Detect, Integrate, Treat, and Reintegrate o PDITR strategy.

Masusi aniyang nagbabantay ang LGUs laban sa Delta variant sa tulong ng mga eksperto mula sa DoH.

Tiniyak ni Abalos na maagap ang Metro Manila Mayors sa ganitong mga situwasyon.

Gaya na lamang aniya ng kahilingan nila sa IATF na suspendhin ang pagpapalabas sa mga bata na may edad limang taon pataas.

“Kita mo naman wala pong local transmissin. uunahan na namin ito. Iyon nga ang nangyari, pinayagan kami ng iatf. sumunod, hindi na namin hinintay. nag-curfew agad kami. while doing this we informed everyone na talagang intense an amin monitoring. ibig sabihin araw-araw yan.. umaga hanggang tanghali hanggang gabi. pati na ang ating mga alkalde. maisispag sila. talagang very iyong kanilang sinasabi na granular lockdown,” anito. Kris Jose


  •  
  •  
  •