IATF pinarerebyu ang quarantine guidelines sa bakunadong biyahero

IATF pinarerebyu ang quarantine guidelines sa bakunadong biyahero

June 5, 2021 @ 12:16 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Pinarerebyu sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang bagong nitong quarantine guidelines sa mga bakunadong biyahero.

“At face value, it seems the latest IATF issuance, particularly the provision on inbound international travelers, needs an immediate review and reconsideration,” ayon sa mensahe ni Senator Joel Villanueva.

Aniya dapat hindi kasama ang mga bakunadong overseas Filipino workers (OFWs) at balikbayans na nakatanggap ng COVID vaccine sa ibang bansa sa bagong quarantine guidelines.

“If you are a Filipino who’s been vaccinated with Pfizer vaccine in the US, the order does not cover you. It is also not applicable to a returning OFW from Europe who has gotten two doses of Moderna. The IATF order does not honor a vaccine passport. Only those who have been vaccinated here will be exempted from certain aspects of quarantine,” ani Villanueva.

“It does not [liberalize] entry protocols for stranded OFWs, for balikbayans who have been wanting to be reunited with their families,” dagdag ng senador.

Giit ni Villanueva na dapat simple, praktikal, at nakatutulong ang polisiya ng IATF sa lahat ng Filipino pati na sa mga OFW.

Nitong Biyernes, inanunsyo ng Malakanyang ang pinaiksing quarantine period sa mga inbound travelers na fully vaccinated na kontra COVID.

Mula 14 araw ginawa itong pitong araw kung ang binakunahan ang OFW at balikbayan sa bansa.

Ikokonsiderang fully vaccinated ang isang indibidwal kung nakatanggap ito ng ikalawang dose sa nakalipas na dalawa linggo pataas para sa two-dose series o makalipas ang dalawang linggo pataas nang makatanggap ng single-dose vaccine. RNT/ELM