IATF ‘provisionally’ OKs sa July-September PRC exams

IATF ‘provisionally’ OKs sa July-September PRC exams

June 4, 2021 @ 2:48 PM 2 years ago


Manila, Philippines — Pinayagan na ang pagsasagawa ng professional licensure examinations mula Hulyo hanggang Setyembre ngayong taon ngunit mayroong ilang kondisyon, batay sa Malakanyang.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang hiling ng Professional Regulation Commission (PRC) na magsagawa ng licensure exams mula Hulyo hanggang Setyembre.

Samantala, nakadepende naman ito sa health at safety protocols sa pagsunod sa minimum public health standards, guidelines na iisyu ng PRC-DOH-PNP, at community quarantine classification sa ilang lugar.

Maaalalang noong nakaraang taon, kinansela ng PRC ang pagdaraos ng licensure exams dahil sa COVID-19 pandemic. RNT/FGDC