IATF reso na umiiral sa Alert Level 3 nilinaw ni Abalos

IATF reso na umiiral sa Alert Level 3 nilinaw ni Abalos

January 4, 2022 @ 3:00 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Nilinaw ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos ang Inter-Agency Task Force (IATF) resolution na ginagamit ngayon sa ilalim ng alert level 3.

Inulan ng tanong si Abalos kung muling hihigpitan ang mga kabataan na makapasok sa malls o papayagan ang mga ito na makapasok sa malls sa kondisyong kailangang may kasamang magulang o guardians.

 “Well iyon nga ‘no, iyong mga tanong dito – let me just refer you dito sa tinatawag nating Alert Level 3 ‘no. Actually it’s more of a IATF resolution. Ayon sa kanya, papayagan ang intrazonal at interzonal movement papayagan. Gayunman, magpapatupad ng reasonable restrictions ang LGUs.

“It should not be stricter or those prescribed under higher alert levels and subject to the oversight, monitoring, evaluation of their respective IATF,” ayon kay Abalos.

“Provided that those below 18 years of age and those belonging to the vulnerable population shall be allowed access to obtain essential goods and services or for work in permitted industries and offices in accordance with the existing labor laws, rules and regulations,” aniya pa rin.

Papayagan din ang mga individual outdoor exercises sa lahat ng edad kahit pa may comorbidities o maging anuman ang vaccination status.

“Iyan po ang IATF. I-correlate po natin ito naman sa sinasabi nitong—sabagay wala pa kasing LGU ordinance pero ito’y may koneksiyon rin dahil sinasabi iyong mga unvaccinated ‘no – and some of our minors are really unvaccinated. So may mga prohibition po ito ‘no to make it fast ‘no,” ayon kay Abalos sa Laging Handa public brefing.

Una na aniya ay kailangan na manatili sa loob ng bahay ang mga hindi bakunado maliban na lamang kung bibili ng “essential goods and services”.

Exempted aniya rito ang dental at iba pa.

Magkagayon man, ang outdoor exercises ay papayagan sa loob ng “general area of residence” gaya ng barangay, purok, at iba pa.

Pangalawa aniya, ipinagbabawal din kung ang mga bata ay hindi bakunado ay ang indoor at outdoor al fresco dine-in restaurants at iba pang food establishments, kasama na aniya ang leisure, social trips sa mga malls, hotels, events, sports, country clubs at kahalintulad na pasilidad.

” And of course iyong pagbiyahe ‘no sa domestic via public transportation – by land, sea and air ‘no. Pero of course may exceptions siguro ito sa pagbili ng pagkain, tubig, mga gamot, public utilities, trabaho, energy etcetera ‘no. So iyon more or less pagdating po rito sa mga tinatawag na menor de edad,” aniya pa rin. Kris Jose