IATF review kasado sa Hulyo 18; Alert levels kasalukuyang ‘status quo’

IATF review kasado sa Hulyo 18; Alert levels kasalukuyang ‘status quo’

July 16, 2022 @ 10:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Mananatiling epektibo ang alert levels kaugnay nh COVID-19 mula Hulyo 16 hanggang sa makapagsagawa ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ng review sa Lunes, ayon sa Malacañang nitong Sabado.

Nangangahulugan ito na mananatili ang National Capital Region (NCR) sa ilalim ng Alert Level 1 epektibo ngayong Hulyo 16.

“The status quo holds for our alert levels, which the IATF will be reviewing on Monday (July 18),” pahayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

Isinailalim ang NCR at iba pang lugar sa Alert Level 1 mula Hulyo 1 hanggang 15 sa gitna ng COVID-19 pandemic. Kris Jose