Iba pang isyu sa DA damay ng ‘sugar import mess’ probe-OPS

Iba pang isyu sa DA damay ng ‘sugar import mess’ probe-OPS

August 12, 2022 @ 5:27 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Malakanyang na ang nagpapatuloy na imbestigasyon sa tinatawag na “illegal” resolution na nagbibigay awtorisasyon sa pag-angkat sa asukal ay maaaring sumaklaw sa iba pang usapin na may kinalaman sa Department of Agriculture (DA).

“The investigation will likely not be limited to the import resolution that the Sugar Regulatory Administration issued,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

“Wala lang po kaming ipapahayag sa ngayon tungkol sa mga plano because the investigation will probably cover a more extensive review than simply the resolution that was issued by the Sugar Regulatory Board,” aniya pa rin.

Nauna rito, binasura ni Pangulong Marcos ang panukalang mag-angkat ng karagdagang 300,000 metriko tonelada ng asukal sugar.

Bilang chairman ng Sugar Regulatory Board, nagdesisyon si Pangulong Marcos na “denied this in no uncertain terms,” ayon kay Cruz-Angeles.

Nauna nang nagpahayag ang SRA ng posibilidad na magkulang ang suplay ng asukal sa bansa sa Agosto sakaling ipagbawal ng pamahalaan ang importasyon ng asukal.

Inihayag ng SRA na isa lamang sa 13 refineries ang operational dahil karamihan sa kanila ay tumigil na sa produksyon noong Mayo.

“If we rely on our local production alone and do not allow importation, by August, we won’t have enough sugar and we won’t have any carryover stocks for our needs in the coming months until production builds up,” pahayag ng SRA.

“Refineries also start later than the raw mills since refineries need to wait for raw sugar stock to build up before they can start refining,” giit pa nito.

Aabot ang carry-over stock para sa refined sugar ng bansa, ayon sa SRA, sa 144,000 metric tons.

“Our estimated refined sugar production is 771,000 metric tons giving us a total refined sugar stock balance of 915.000 metric tons,” patuloy nito.

Subalit ang estimated demand ng bansa para sa refined sugar ay 943,000 metric tons, na may average monthly demand na 83,000 metric tons.

Para sa mga indibidwal naman na hindi naniniwalang may kakulangan sa asukal, sinabi ng SRA na, “sugar shortage is real, it is not a figment of the imagination.” “Those who claim otherwise either 1) do not have all the information they need to properly analyze the situation; 2) are just trying to manipulate perception to suit their own self-interest and hidden agenda; or 3) refuse to see what is right in front of them because of their own delusions.”

Kaugnay nito, sinabi ng Malakanyang, ang mga opisyal na lumagda sa import order “on behalf” ni Pangulong Marcos ay walang awtorisasyon na gawin ito.

Ang resolusyon ay ilegal dahil hindi nag-convene ng kahit na anumang meeting si Pangulong Marcos sa Sugar Regulatory Administration.

Muling inulit ni Cruz-Angeles na “heads will roll if there are “sufficient findings.”

“Was this attended with malice, or was it negligence? Was it simply bad judgment? Kailangan malaman natin itong mga ito, at kung sino pa pa ang involved dito. So that’s how things stand right now, continuing po yung ating imbestigasyon,” dagdag na pahayag nito.

Sa ngayon ay hindi pa nakapagpapalabas ng preventive suspension orders bunsod na rin ng resulta ng imbestigasyon, ayon kay Cruz-Angeles.

Tiniyak naman nito na mayroong due process para sa mga isasailalim sa imbestigasyon. Kris Jose