Iba pang sangkot sa Percy Lapid slay, isiniwalat ng kapatid ng nasawing middleman – DOJ

Iba pang sangkot sa Percy Lapid slay, isiniwalat ng kapatid ng nasawing middleman – DOJ

October 25, 2022 @ 1:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Justice na may mga ibinunyag na pangalan at iba pang impormasyon ang kapatid ni Jun Globa Villamor, ang nasawing “middleman” sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Ito ang sinabi ni Justice Assistant Sec. at spokesperson Mico Clavano, sa ambush interview sa kanya ng mga mamamahayag.

Gayunman, tumanggi si Clavano na ilabas ang iba pang detalye.

Sinabi ni Clavano na sa ngayon, nasa ilalim na ng Witness Protection Program o WPP ang kapatid ni Villamor.

Nakita aniya na mayroong banta sa buhay ng kapatid ng naturang middleman, kaya agad na ipinasok sa WPP at dinala sa temporary shelter.

Dagdag ni Clavano, aalamin pa kung “credible” at sasalang sa beripikasyon ang mga pahayag ng kapatid ni Villamor, para makita kung totoo ang mga sinasabi niya. Teresa Tavares