10 patay sa nasunog na passenger vessel sa Basilan – PDRMMO

March 30, 2023 @8:57 AM
Views: 10
MANILA, Philippines – Aabot sa 10 katao ang iniulat na nasawi at pito ang nawawala makaraang masunog ang isang pampasaherong barko sa dagat na sakop ng Basilan nitong Miyerkules ng gabi, Marso 29, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) nitong Huwebes, Marso 30.
Ayon kay Basilan PDRRMO chief Nixon Alonzo, ang ulat na ito ay mula sa Hadji Muhtamad Municipal DRRMO at sasailalim pa sa validation.
“Bale total po, according sa nalaman namin, apat na ang naiwan namin dito sa barko tapos noong dumating kami sa may port ng Isabela, may anim ding namatay. So all in all, 10 po ‘yung mga namatay po,” ani Alonzo sa panayam ng DZBB.
“Nakuha sila sa barko na patay or tumalon kasi yung iba sa dagat. Either nalunod or may mga nakita rin kami na signs na yung iba ay sunog din,” dagdag pa niya.
Nasagip naman aniya ang nasa kabuuang 195 pasahero at 35 crew mula sa nasusunog na passenger vessel.
Sa ulat, nakadaong ang MV Lady Mary Joy 3, sa pier ng Baluk-Maluk Island nang sumiklab ang sunog pasado alas-11 ng gabi.
Nakatakda sana itong bumiyahe patungong Jolo, Sulu.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa ng monitoring activities ang mga awtoridad upang matukoy kung may karagdagan pang nasawi.
Nagpapatuloy din ang search and rescue operations sa bisinidad ng Baluk-Baluk Island sa Hadji Muhtamad, Basilan, ayon sa ulat ng Coast Guard Station Basilan.
“Upon receipt of information regarding the said fire incident, a Search and Rescue (SAR) Team from Coast Guard Sub-Station Maluso immediately proceeded in the area of the incident and was able to retrieve one female cadaver,” sinabi ng Coast Guard sa isang Facebook post.
Ipinadala na rin ang dagdag na SAR Team na binubuo ng CGS Basilan, CGSS Lamitan at Special Operations Unit Team Lamitan.
Nakapagligtas naman ng apat na indibidwal at isang bangkay ng babae ang nakuha ng CGSS Hadji Muhtamad, na bumuo ng Joint Search and Rescue Team kasama ang Local Government Unit ng Hadji Muhtamad sa pangunguna ni Mayor Arsina Kahing-Nanoh.
Ipinadala na rin ang BRP Cape Engaño, BRP Tubbataha at MCS 3007 upang tumulong sa search and rescue operations.
Samantala, sinusuri naman ng Coast Guard Station Basilan, kung mayroong senyales ng oil spill sa nangyaring insidente. RNT/JGC
Local medicine production ng Pinas, palakasin – PBBM

March 30, 2023 @8:44 AM
Views: 12
MANILA, Philippines – Kumbinsido si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang ipinatupad na lockdowns bunsod ng COVID-19 pandemic ay dapat na nag-udyok sa Pilipinas para palakasin ang produksyon ng local medicines upang magkaroon ng sapat na stockpile sa panahon ng emergency.
“Let’s maximize the local production. The initial reason why this came up is the supply problems that we encountered during the lockdowns so we need to be prepared. We should be able to produce the local supply of essential medicines,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang pulong kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC) healthcare sector group.
Inatasan ng Chief Executive ang Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) na makipagtulungan sa pribadong sektor para tukuyin ang mga medisina na gagawin sa lokal na pagawaan.
“The Health department and FDA should also maximize the utilization of the capacity of local pharmaceutical manufacturers, particularly in the production of basic medications for poor Filipino patients such as anti-tuberculosis drugs,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Tututukan naman ng PSAC ang mga bagong teknolohiya sa healthcare na maaaring gamitin para sa geographically isolated at disadvantaged areas at irekomenda ang mga ito sa DOH at PhilHealth.
Pag-aaralan din nito ang feasibility ng pagtatatag ng remote diagnostics centers at pagsuri ng bagong medical technologies at halaga nito.
Itinulak din ng advisory council ang patuloy na digitalisasyon ng information systems ng FDA hanggang sa kanilang target completion sa Agosto ngayong taon.
“Once digitalized, other systems such as new chemical entity renewal, certificate of listing of the identical drug product (CLIDP), and post-marketing surveillance will follow,” dagdag nito.
Samantala, kabilang naman sa mga dumalo sa PSAC meeting sina Sabin Aboitiz, Strategic convenor president at CEO ng Aboitiz Equity Ventures Inc.; Paolo Maximo Borromeo, Healthcare lead president at CEO ng Ayala Healthcare Holdings Inc; Fr. Nicanor Austriaco Jr., Healthcare Sector Member, at Filipino-American molecular biologist; Dr. Nicanor Montoya, Healthcare Sector Member at CEO ng Medicard Philippines, Inc.; DOH officer in charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, at Commission on Higher Education chairperson Prospero de Vera III. Kris Jose
Gabriela sa ECOP: Sick leave ‘di sapat sa menstrual pain ng mga babae

March 30, 2023 @8:31 AM
Views: 13
MANILA, Philippines – Hindi sapat ang sick leave upang matutunan ang hirap at sakit na nararanasan buwan-buwan ng mga babaeng empleyado dulot ng menstruation o buwanang dalaw.
Ito ang sinabi ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas of Gabriela party-list nitong Miyerkules, Marso 29 bilang tugon niya kay Employers Confederation of the Philippines (ECOP) president Sergio Ortiz-Luis, na nagsabing ang panukalang buwanang menstrual leave ay sakop na ng umiiral na service incentive leave, maternity leave, solo parent leave, at leave para sa mga biktima ng karahasan, maging ang iba pang paid leaves.
“Sick leaves are inadequate to cover the health consequences of monthly menstrual-related symptoms that women workers experience,” giit ni Brosas.
“From our proposed wage increase to our recently filed menstrual leave, ECOP never fails to counter pro-worker measures in the name of maintaining super profits for big businesses,” dagdag pa niya.
“Ang matinding kinakaharap ng kababaihan ay ang mababang pasahod at kawalan ng benepisyo, hindi ang menstrual leave na tiyak na magiging malaking alwan para sa kanila,” pagpapatuloy nito.
Matatandaang inihain ni Brosas ang House Bill 7758 na naglalayong magbigay ng menstrual leave ng aabot sa dalawang araw kada buwan na may 100% daily remuneration sa lahat ng babaeng empleyado sa pribado at pampublikong sektor.
“Our House Bill 7758 seeks to provide women workers with a maximum of two days menstrual leave per month, which is far different from sick leaves, which are normally given only five days per year,” sinabi pa ni Brosas.
Pinuna niya rin ang sinabi ni Ortiz-Luis na mawawalan ng trabaho ang mga babae kung magiging batas ito, dahil mas pipiliin na ng mga employer na kumuha ng lalaking manggagawa.
“Gender preference and discrimination in the world of work should not be used as an excuse to deprive workers of reproductive health benefits,” aniya.
“In fact, the existence of such gender inequalities should push the government to monitor and improve the implementation of policies which prohibits gender discrimination in the workplace,” dagdag ni Brosas. RNT/JGC
Juday, hinangaan sa pagbusina sa ABS-CBN!

March 30, 2023 @8:30 AM
Views: 20
Manila, Philippines- Hindi mabubutasan si Judy Ann Santos sa pagtanggap ng serye sa labas ng ABS-CBN.
Bagama’t hindi pa ibinabahagi ni Juday kung anong serye ito, prodyus ang proyekto ng Reality Films.
Pero bago niya ito tanggapin ay bumusina raw muna siya kay Cory Vidanes, isa sa mga ehekutibo ng Kapamilya network.
For the record, kung hindi kami nagkakamali ay taong 2019 pa nag-expire ang kontrata ni Juday sa ABS-CBN.
Kung tutuusi’y malaya siyang lumipat sa alinmang network na magbibigay sa kanya ng trabaho.
But as far as she’s concerned, Juday felt the need to sound off her offer to Cory.
Katwiran niya, kung hindi raw siya nagpaalam ay, “Para ko namang pinindeho ang asawa ko!”
Dahil dito’y hinangaan ang aktres sa pagkakaroon ng kortesiya.
Minsan nang sinabi ni Juday na malaki ang tinatanaw niyang utang na loob sa nasabing network.
Sa ABS-CBN nagsimulang makilala ng katakter niya bilang Ula.
Sa nasabing istasyon na rin siya nagdalaga, nagkaroon ng kasintahan, ikinasal hanggang sa magkaanak.
In the absence naman of regular work ay may food business naman sila ng asawang si Ryan Agoncillo.
Iindahin nga ba niya ang kawalan ng show sa ABS-CBN? Ronnie Carrasco III
Bato tiwalang maipapasa ang panukalang reporma sa military pension

March 30, 2023 @8:18 AM
Views: 32