Ibang insidente sa WPS ‘di naisapubliko – PCG

Ibang insidente sa WPS ‘di naisapubliko – PCG

February 27, 2023 @ 1:39 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Aminado ang Philippine Coast Guard (PCG) na hindi nagawang mailathala ang iba pang mga nagdaang insidente sa West Philippine Sea at kamakailan lamang nagsimulang mailantad ang mga agresibong aksyon ng China sa pinagtatalunang karagatan.

Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, PCG Adviser Commandant for the Maritime Security na umaasa silang ang hakbang na ito ay maghahatid-tugon mula sa East Asian giant hinggil sa pananakot nito.

ā€œAs far as the incidents in the past weeks, we are able to publicize, but for the previous incidents that happened, I am not authorized to disclose,ā€ pahayag ni Tarriela.

Matatandaan na kinumpirma ng tagapagsalita ng PCG na si Commodore Armand Balilo ang ulat na isang barko ng CCG ay sumubaybay at bumuntot sa isang barkong pandigma ng Philippine Navy malapit sa Mischief Reef – isang low-tide elevation na matatagpuan sa Spratly Islands.

Ngunit binawi ng PCG ang pahayag nito makalipas ang dalawang araw, at sinabing ang insidente ay ā€œunverified.ā€

Gayunman, sa isang pahayag, pinayuhan ni dating National Security Adviser Clarita Carlos ang PCG na isapubliko ang mga agresibong hakbang ng CCG.

Sinabi naman ni Tarriela sa hiwalay na panayam na ang tanging paraan ng Pilipinas para tugunan ang ‘bullying behavior’ ng China ay ang patuloy na pagsisiwalat dito.

ā€œWe should not allow ourselves to be silent and just be reliant on diplomatic protests,ā€ aniya.

ā€œWe need to lead the narrative that the Chinese are doing this, and this is wrong and this against the international law and they are violating our sovereign rights in our own exclusive economic zone,ā€ sinabi pa ni Tarriela. Jocelyn Tabangcura-Domenden