Ibang kandidata ng Miss Planet Int’l, nai-scam daw, hindi na tuloy?

Ibang kandidata ng Miss Planet Int’l, nai-scam daw, hindi na tuloy?

November 11, 2022 @ 7:25 PM 3 weeks ago


Kampala, Uganda – Nanganganib na hindi matuloy ang ikalawang edisyon ng Miss Planet International.

Idaraos dapat ito sa November 19 sa Kampala, Uganda.

Ang bansang Uganda ay matatagpuan sa East Africa.

Ang kinatawan ng bansa ay si Herlene Budol na tinanghal na first runner-up sa Binibining Pilipinnas.

Ang ulat ng umano’y kanselasyon ng MPI ay kasunod ng mga posts nina Miss Planet Jamaica Tonille Watkis at Miss Planet Czech Republic Tamila Sparrow sa kanilang Instagram Stories.

Diumano, biktima ng scam ang may 40 kandidata in terms of food and accomodation.

Pinagbabayad umano ang mga kandidata.

Ito’y sa kabila ng sampung porsyento pa lang daw ng mga aktibidad ng MPI ang naisasagawa.

Nagbanta si Sparrow na uuwi na raw siya sa Czech Republic dahil sa scam.

Maging ang mga hindi naman daw involved sa pageant ay lumalabas na pakain ng mga kandidata.

Naglabas naman ng suporta ang Facebook page ng mga beauty pageant kay Herlene.

Lumitaw din kasing may banta ng Ebola virus sa Uganda, dahilan para ipagpaliban ito.

This is sad news for Herlene and her supporters dahil mawawalan ng saysay ang kanyang pagsasanay at paghahanda sa kauna-unahang international pageant. Ronnie Carrasco III