IBA’T IBANG LEARNING MODALITIES SA PAGPAPATULOY NG PAG-AARAL

IBA’T IBANG LEARNING MODALITIES SA PAGPAPATULOY NG PAG-AARAL

August 17, 2020 @ 11:10 PM 2 years ago


Sa ating “New Normal”, masusubukan ang iba’t ibang paraan ng pagtuturo simula sa School Year 2020-2021.

Karamihan ay mananatili sa kani-kanilang bahay dahil sa mataas na alert levels sa kanilang mga lugar, at online ang kadalasang mode of learning na gagamitin.

Ang ilang mapalad na nasa mas ligtas na lugar ay maaaring may mangilan-ngilan na araw ng pasok, ngunit todo pa rin ang Social Distancing Measures.

Gayunman, lahat tayo ay nagnanais na matuto, at magpatuloy ang edukasyon, face-to-face man, o online, anoman ang ating kinahaharap.

Kaugnay nito, ang mga paaralan ay gumawa ng mga Learning Continuity Plan.

Alamin ang iba’t ibang learning delivery modalities sa pagpapatuloy ng edukasyon:

Ang distance learning ay isang alternatibong paraan upang maipagpatuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral. Nahahati ito sa tatlong uri.

Sa Modular Distance Learning (MDL), maaaring gumamit ng mga printed module o mga module na nasa digital format gaya ng CD, DVD, laptop, computer, tablet, o smartphone ang mga guro at mag-aaral.

Ang online distance learning ay ang pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang iba’t ibang teknolohiya na mayroong internet access.

Maaaring gumamit ng mga digital format katulad ng mga CD, DVD, laptop, computer, o tablet.

Ang mga self-learning module ay maaaring maituro at maipalabas sa pamamagitan ng telebisyon at mapakinggan sa radyo.

Ang blended learning ay kombinasyon ng iba pang delivery mode o pinagsamang online distance learning, modular distance learning, at TV/Radio-based Instruction. Dito ay maaaring gamitin ang mga printed module, iba’t ibang digital format kasabay ng pagkatuto sa TV at radyo.

Ang homeschooling ay pagbibigay pribilehiyo sa mga magulang at mag-aaral na magkaroon ng home-based learning environment na pangangasiwaan ng mga kwalipikadong magulang, guardian, o tutors na sumailalim sa training.

Mahigpit pang pinag-aaralan ito bago tuluyang mapalaganap.

oOo

Divina P. Enriquez

Head teacher III

Fortunato F. Halili National Agricultural School

Guyong, Sta. Maria, Bulacan